MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon, isang Chinese national na itinuturing na notorious na drug trafficker ang muling naaresto ng tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang pagsalakay sa tirahan nito sa lungsod ng Manila kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang nadakip na si Tony Pong Ang, ng Unit 9-D, 9th Floor, 619 Alonzo Tower, T. Alonzo St., Binondo Manila. Nakumpiska kay Ang ang isang plastic sachet ng shabu at ilang piraso ng drug paraphernalia, tatlong cellphone, airsoft gun, personal computer, digital weighing scale at iba pang kagamitan tulad ng computer na ginagamit umano nito sa kanyang iligal na transaksyon.
Nabatid na Marso 29, 2008 nang unang madakip ng tropa si Ang ngunit ang kaso ay nadismiss noong Pebrero 2, 2009 dahil sa teknikalidad.
Samantala, isinama rin sa kustodiya ng PDEA ang asawa ni Ang na si Abe Chua, 28, dahil ayon sa PDEA ay nagwawala ito at gustong sumama sa kanyang asawa. (Ricky Tulipat)