Yaya hinalay ng amo

MANILA, Philippines - Isang yaya ang uma­no’y ginahasa ng kanyang amo sa Valenzuela City kamakalawa.

Arestado ang suspek na si Bryan Ganaba, 21,   ng Doña Elena St., Brgy. Punturin ng lungsod na ito.

Sa pahayag ng bikti­mang si Jane, 16, alas-2:30 ng hapon, katabi niya sa kama ang apat na buwan anak ng suspek nang pumasok ang huli sa kuwarto.

Agad umanong naghu­bad ang among lalaki at saka ikinandado ang pinto ng kuwarto bago siya tinabihan at sinumulang hipuan.

Nang pumalag ang biktima ay naglabas ng pa­talim ang suspect at binan­taang papatayin kaya wala nang nagawa pa ang una.

Nang matapos ay saka lamang nakalabas ng ku­warto ang biktima at nag­sumbong sa kaibigan na naging dahilan upang samahan sa presinto si Jane at ipaaresto si Ga­naba. (Lordeth Bonilla)

Show comments