^

Metro

Salvage victim natagpuan sa Maynila

-

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki na nakasuot lamang ng brief at burdado ng tattoo sa katawan ang natagpuang balot ng packaging tape at tama ng bala sa ulo at markado ng sakal ng   lubid sa Binondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na pinaniniwalaang biktima ng salvage ay ini­larawan nasa gulang na 30-35, 5’2’’ ang taas, maiksi ang buhok, katamtaman ang katawan, burdado ng tattoo kabilang ang nasa kanang braso na larawan ng skeleton.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:15 ng madaling-araw nang natagpuang   ang biktima sa kanto ng Juan Luna at Lavezares Sts., Binondo, Maynila.

Sinabi ng isang security guard ng Newtex Bldg. na si Jorland Delamar, nagbabantay siya sa nasabing building nang napansin ang isang bagay na nakabalot sa isang kumbinasyon na kulay  green, dilaw at pulang canvass at may bakas ng dugo sa tabi nito kaya nagduda ito na patay na tao ang laman kaya agad inireport sa pulisya. (Ludy Bermudo)


BINONDO

ISANG

JORLAND DELAMAR

JUAN LUNA

LAVEZARES STS

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NEWTEX BLDG

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with