^

Metro

FEU student hulog mula 6th floor ng gusali, patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinatay o nagpakamatay?

Ito ang palaisipan ngayon sa mga awtoridad hinggil sa isang estudyante ng Far Eastern University (FEU) na umano’y nahulog mula ika-6 na palapag ng isang gusali na agad nitong ikinamatay sa lungsod ng Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima base sa nakuhang isang identifi­cation card (ID) na si Benja­min Peralta III, umano’y estud­yante sa naturang paaralan.

Sa ulat ng pulisya sa Sta­tion 10 ng QCPD, ang biktima ay natagpuan na lamang walang buhay ng guwar­diyang si Renante Manaog, 28, na nakasalampak sa ground floor ng gusali ng Vic­toria Tower na matatagpuan sa Timog Avenue, corner Panay Avenue, Brgy Pinagka­isahan sa lungsod ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Ayon sa inisyal na ulat ni PO3 Bobby Castillo, bago ang insidente nagpapatrulya umano si Manaog sa na­sabing gusali na may 18 palapag nang makarinig ito ng malakas na kalabog mula sa ground floor nito.

Agad na pinuntahan ni Manaog ang nasabing lugar kung saan nito natagpuan ang walang buhay na katawan ng biktima.

Sa pagsisiyasat nabatid ng pamunuan na ang biktima ay nagmula sa ika-6 na palapag ng nasabing gusali partikular sa Penthouse B-01 kung saan hinihinala nilang tumalon ito.

Subalit napag-alaman sa mga security guard na bago ang insidente ay may narinig silang nag-iinuman sa nasa­bing kuwarto na kinabibila­ngan ng biktima at ilang mga bisita dito.

Dahil dito, hinihinala ng mga awtoridad na posibleng may foul play sa insidente at hindi isang kaso ng pagpa­pakamatay lamang kung kaya patuloy ang imbestigasyon ang kanilang ginagawa hingil sa insidente.

vuukle comment

AYON

BOBBY CASTILLO

BRGY PINAGKA

FAR EASTERN UNIVERSITY

MANAOG

PANAY AVENUE

PENTHOUSE B

RENANTE MANAOG

SHY

TIMOG AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with