Sisibakin sa trabaho, nagbaril sa sarili

MANILA, Philippines - Hinihinalang dulot ng malaking problema tulad ng nakaambang matanggal sa trabaho kaya naisipang mag­pakamatay ng isang 53 anyos na delivery man ng isang restaurant, sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Tama ng bala sa sentido ang tumapos sa buhay ng biktimang si Rodolfo Delos Santos, may-asawa, pedi­cab driver/delivery man ng D.Salas Karinderia at resi­dente ng Katamanan St., Tondo.

Naganap ang insidente sa loob ng D. Salas Karin­deria sa panulukan ng Yuseco at Dagupan Streets sa Tondo.

Sinabi ng kasamahan sa trabaho ng biktima na si Ryan Cruz nasa loob sila ng pina­pasukang restaurant nang magtungo sa isa pang silid ang biktima habang siya umano ay nasa kusina. Maya-maya lamang ay tinawag umano ng biktima ang kani­yang pangalan at nagpaalam sa pagpapa­kamatay.

“Ryan, magpapa­ka­matay ako. Yun ang narinig ko,” ani Cruz kaya agad niyang pinuntahan ito nang makarinig ng putok ng baril at nadatnan na nakalugmok na umano ang biktima sa semento hawak ang di na­batid na kalibre ng baril.

Bukod sa narekober na­baril, may suicide note umano na nakuha sa kaniyang pitaka na naglalahad ng kaniyang mga problema kaya naisipang magpa­tiwakal.

Malaking problema umano kung paano bubu­hayin ang kanyang pamilya dahil ta­tanggalin umano sa trabaho ang biktima, ayon sa mga kapitbahay, kaya madalas na balisa ito. (Ludy Bermudo)

Show comments