MANILA, Philippines - Isa namang turistang Hapones ang nabiktima ng hinihinalang miyembro ng Salisi Gang nang matangayan siya ng cellphone na nagkakahalaga ng P60,000 habang nagpapapalit siya ng dolyar sa isang money changing shop sa Malate, Manila kamakalawa ng hapon.
Sinabi ng 62 anyos na biktimang si Kaguhuto Tanaka na, habang nagpapapalit siya ng pera sa Edzel Money Changer sa A. Mabini, Malate, inilapag niya sandali ang kanyang cellphone sa isang tabi.
Pero wala na ang cellphone sa pinag-iwanan niya nang balikan niya ito.
Naghihinala si Kaguhuto na mga taong nasa loob din ng shop na inakala niyang kustomer ang tumangay sa kanyang cellphone. (Ludy Bermudo)