MANILA, Philippines - Hinihinala ng National Capital Regional Police Office na may iba pang bangkay ng mga tao na pinaslang at isinimento sa loob ng drum bago itina pon sa dagat ang nagkalat sa ilalim ng Manila Bay.
Ito ang nabatid kahapon kay NCRPO Chief Supt. Roberto Rosales na nagsasabing baka may makuha pa silang mga bangkay sa karagatan ng Manila Bay sa tulong ng testigong si Manuel Montero.
Si Montero ang nagturo sa kinaroroonan ng bangkay ni Ruby Rose Jimenez, ang matagal nang nawawalang kapatid ng dating beauty queen na si Rochelle Barrameda.
Kinumpirma pa ni Rosales na kasalukuyan pa nilang inaalam ang ulat na ang grupo nina Montero at ng inaaakusahang mga fishing magnate na sina Manuel Jimenez 11, biyenan ni Ruby Rose at uncle-in-law ng bik tima na si Lope Jimenez na may mga pinaslang pa at itinapon rin sa iba’t ibang karagatan ng bansa pati na sa bahagi ng Indonesia.
Bunga nito, nakatakdang suyurin ng awtoridad ang karagatan na pinaniniwalaang pinagtapunan sa mga biktima upang hanapin ang mga bangkay ng mga ito. (Rose Tamayo-Tesoro)