Kelot nasagasaan ng tren

MANILA, Philippines - Isang hindi kilalang lalaki ang nasawi nang masaga­saan ng isang train kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng biktima habang isinusulat ito.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Alipio Dimaano ng Parañaque City Traffic En­force­ment Unit, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa hurisdiksiyon ng Philippine National Railroad sa Barangay Bicutan Station ng nabanggit na lungsod.

Naglalakad ang biktima sa riles nang hindi nito nama­layan ang dumarating na train na may body number 042 na ang operator ay si Dennis Capus.

Dito nasagasaan ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito. Dinala ang bangkay sa Vasquez Funeral Homes. (Lordeth Bonilla)

Show comments