Maid tinutugis

MANILA, Philippines - Kasalukuyang tinutu­gis ng pulisya ang isang 29 anyos na katulong na tumakas makaraang na­ka­wan niya ang kanyang amo ng P100,000 halaga ng salapi at cellphon sa Sampaloc, Manila kama­kalawa ng gabi. 

Kinilala ng Manila Police District ang suspek na si Aileen Col­ lantes, may asawa, ng Bagbag, Novaliches, Que­zon City. Naghain ng rek­lamo ang kanyang amo na si Mercedes Gomez, 31, dalaga ng 1430 Craig St., Sampaloc.

Sinabi ni Gomez na bandang alas-10:00 ng gabi nang ma­pan­sin niyang nawawala si Collantes at ang kanyang pera at dalawang cell­phone sa loob ng kanyang bahay.

Nagsasagawa ng follow up investigation ang pulisya sa kinaroroonan ng suspek upang magbigay paliwanag sa akusasyon ng biktima at kung matu­tukoy na ito ang nagnakaw. (Ludy Bermudo)

Show comments