Sunog sa QC: P3-M ari-arian naabo

MANILA, Philippines – Mahigit sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang isang apartment sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat, ang mga apartment na tinupok ng apoy ay pag-aari ng isang Lydia Damaso na matatagpuan sa #16 Avenue, Brgy. San Roque, Cubao sa lungsod.

Sinasabing nagsimula ang apoy sa isang unit na inookupa ni Angelita Manalo sa may #9-C kung saan bigla na lamang naglagablab ang bahagi ng tinutuluyan nito sa hindi mabatid na kadahilanan ganap na ala-1:44 ng madaling-araw.

Mabilis na kumalat ang nasabing apoy hanggang sa madamay ang mga kalapit unit nito hanggang sa umabot sa ikatlong alarma.

Ganap na alas-2:03 ng ma­da­ling-araw naman na tuluyang ideklarang fire out ang na­sabing sunog. Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog.

Patuloy na inaalam kung ano ang pinagsimulan ng sunog. (Ricky Tulipat)


Show comments