^

Metro

Waiter ni Randy Santiago namaril

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines – Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang waiter ng isang kilalang comedy bar na pag-aari ng isang singer-actor dahil sa pa­ma­maril umano sa isang lalaki sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang sina Rose Salazar, 34, supervisor ng Forbest Bar ng 1824 J. Bacobo st., Malate na nagtamo ng bala sa tiyan at Michael Brillantes, 28, may-asawa, isang obrero ng 2039 M. Adriatico St., Malate na nagtamo din ng tama ng bala sa tiyan at kaliwang tuhod.

Hindi pa kilala ang suspek na waiter umano ng Ratsky Bar and Restaurant na tumakas matapos ang pamamaril.

Naglalakad sina Brillantes at kaibigan niyang si Louie Lobrigito sa panulukan ng Nakpil at Bocobo Streets nang harangin sila ng suspek.

Tumakbo palayo ang magkaibigan pero binaril sila ng naturang waiter at tinamaan ng bala si Brillantes.

Tinamaan ng ligaw na bala si Salazar habang nakatayo sa tapat ng pinagta­trabahuhan niyang restawran.


ADRIATICO ST.

BACOBO

BOCOBO STREETS

BRILLANTES

FORBEST BAR

KASALUKUYANG

LOUIE LOBRIGITO

MAYNILA

MICHAEL BRILLANTES

RATSKY BAR AND RESTAURANT

ROSE SALAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with