Konduktor namatay sa sama ng loob

MANILA, Philippines – Isang konduktor ng bus ang hininalang namatay sa sama ng loob makaraang ma­­tanggal sa trabaho sa Pasay City kamakalawa ng gabi. 

Malamig na bangkay na nang matagpuan sa loob ng Goldline Transit Ter­minal sa 212 EDSA Exten­sion, E. Ro­driguez St., Pasay ang bikti­mang si Quezon Egama, 48, at stay-in sa na­sabing bus terminal.

 Nabatid na, bago ang insidente, tinanggal sa kan­yang trabaho ang bik­tima bilang konduktor ng bus sa naturang kompanya dahil sa karamdaman niyang hika.

Nagpupumilit pa umano ang biktima at nagmama­ka­awa sa kanyang amo na ma­ka­­balik siya sa kanyang trabaho at pa­tuloy itong ma­natili sa loob ng istasyon ng bus.

May ilang araw nang na­walan ng trabaho ang bik­tima na labis nitong iki­na­sama ng loob hanggang sa matagpuan na lamang ang bangkay nito na hang­gang sa huling san­dali ay nanatili sa loob ng bus terminal.


Show comments