Pekeng inhinyero tiklo sa extortion
MANILA, Philippines – Isang pekeng inhinyero na inireklamo ng isang negosyante ang nadakip ng mga awtoridad sa isang entrapment operation sa Maynila kamakalawa.
Nakapiit ngayon sa Manila City Hall-District Special Project Unit ang suspek na si Ferdinand Fernandez, alyas Engr. Danilo dela Torre, 47, ng 43 Queensland St., Jordan Village, Bagong Silang, Caloocan City.
Ayon kay Sr. Supt. Alex Gutierrez ng city hall, ang entrapment operation ay bunsod ng reklamo ni Henry Ong ng Beauty Line Salon sa panulukan ng El Cano at Santo Cristo Streets sa Binondo, Maynila. Hinihingan ng suspek ng P2,000 ang biktima para sa pagbabayad ng signage fee.
Kasabay nito, itinanggi naman ni Building Official Chief Engr. Melvin Balagot na konektado si Fernandez sa kanilang tanggapan sa Manila City Hall.
Nakuha sa suspek ang marked money, fake inspection slips, handwritten receipts at pekeng City Hall identification card. (Doris Franche)
- Latest
- Trending