Mag-ina biktima ng 'salisi' sa hotel

MANILA, Philippines - Sa pagnanais na makaligtas sa masasamang elemento ng lipunan dahil dis-oras na ng gabi, nag­pasya ang mag-inang taga-Leyte na mag-check-in sa isang hotel sa Quezon City.

Ngunit tila kabaligtaran ang nangyari dahil lalo lamang napahamak ang dalawa matapos na ma­tangayan ng kanilang gamit at pera ng sindikato ng “salisig gang” sa pinasukan nilang hotel dito ka­ma­kalawa. Ito ang nabatid matapos na dumu­log at magreklamo sa himpilan ng Station 10 ng QCPD ang mga biktimang sina Cinderella Mi­randa, 58,   pharmacist; at Johannae Mae Miran­da, 20, nurse; residente ng #310 Mabini St., Brgy. Bawad San Isidro Leyte.

Ayon sa mag-ina, nangyari ang insidente sa may loob ng Sir Williams Hotel na matatagpuan sa # 39 Timog Avenue sa lungsod ganap na alas- 10:30 ng gabi.

Bago ito, dahil dis-oras na ng gabi nagpasya umanong magpalipas ang mag-ina sa nasabing hotel para makaiwas sa tiyak na kapahamakan.

Pagsapit sa loob ng motel at makapag-check- in bilang guest bigla na lamang nawala ang ka­nilang dalang gamit matapos na makalingat lamang ng ilang sandali. Dahil dito, dismayado ang nasabing mga biktima at nagpasyang du­mulog na lamang sa himpilan ng pulisya para mag­reklamo. Nakuha sa mga biktima ang dala­wang cellphone; P10,000 cash, assorted jewelries na hindi mabatid ang halaga at isang MP4.

Halos araw-araw ay ang salisi gang ang ma­dalas na reklamong natatanggap ng tanggapan ng Station 10 ng QCPD kaya naman nagpaalala ang mga awtoridad sa mga nagtutungo sa lugar na mag-ingat dahil sa mga pabagu-bagong estilo ng mga ito. (Ricky Tulipat)

Show comments