Player ng Ginebra kinasuhan

MANILA, Philippines – Isang sikat na manlalaro ng Philippine Basketball Association ang ipinagharap ng kasong physical injury ng isa niyang kaibigan dahil sa pambubugbog umano niya rito sa lungsod ng Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Sinabi ni Quezon City Police District-Anonas Station Chief Supt. Oscar Palisoc na isinampa na nila ang kaso sa city prosecutor’s office laban kay Cyrus Baguio na miyembro ng koponang Ginebra San Miguel at naninira­han sa Doña Juana Townhomes, Rosario, Pasig City.

Kinasuhan siya ni Herby Joy Estacio, 32, ng 33 BSA Townhomes, JB Vargas st., Bagong Silang, Mandaluyong City.

Sinasabi ni Estacio na bigla na lang siyang pinagsusuntok ni Baguio nang magtungo sila sa isang party sa UP Village, Quezon City hang­gang magka­pasa-pasa at magkasugat ang mukha at ka­tawan noong Mayo 15. (Ricky Tulipat)

Show comments