German national niratrat, patay

MANILA, Philippines - Patay agad ang isang German national matapos na tadtarin ng bala ng dalawang hinihinalang hired killers ilang hakbang lamang ang layo sa bahay nito sa lungsod ng Quezon kahapon ng umaga.

Iniwan na lamang ng mga suspek na duguang na­kahandusay sa kalsada ang biktimang si Martin Kessler, 46, negosyante ng Rm. 208 ng isang apart­ment sa #62. Gen. Lim St., Heroes Hill, Brgy. Sta. Cruz, sa lungsod matapos na paulanan ng bala ga­nap na alas 5:45 ng umaga.

Nangyari ang pama­maslang habang nagla­lakad umano ang biktima patungo sa kanyang sa­sakyan na nakaparada 50 metro mula sa kanyang bahay kung saan biglang sumulpot ang isa sa mga suspek at barilin ito sa batok.

Ayon sa mga saksi, bago ang insidente ma­tagal na umanong naghi­hintay ang dalawang kala­lakihan sa labas ng bahay ng biktima at nang luma­bas ito ng pintuan ay saka sumunod at binaril ito sa likod. Sinasabing nang bu­mu­wal sa kalsada ang biktima ay hindi pa nasiya­han ang mga suspek at muli pang pinagbabaril sa katawan, bilang paniguro na hindi na ito mabubuhay, bago naglakad papalayo sa lugar na parang walang nangyari.

Sa pagsisiyasat ng QCPD-SOCO, si Kressler ay nagtamo ng tama ng bala sa batok, kaliwang braso, binti at dibdib na siyang ikinamatay nito.

Isinantabi na ng awto­ridad ang motibo ng rob­bery dahil nasa bulsa pa ng biktima ang pitaka nito at intact ang laman.

Patuloy ang imbesti­gas­yon ng awtoridad upang matukoy ang tunay na motibo ng krimen na hinihinalang may kina­laman sa negosyo. (Ricky Tulipat)

Show comments