MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Medical Center Manila na makalabas ng pagamutan ni NBN-ZTE deal star witness Rodolfo Noel Lozada Jr., kahapon ng umaga at dumiretso ito sa La Salle Greenhills, sa Mandaluyong upang doon magpahinga. Hindi umano dinala sa Senado si Lozada dahil walang opisina doon kapag Biyernes kaya nagpasya na sa Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) na ituloy ang payo ng doctor na complete bed rest, ani Sister Mary John Manzan.
Hihintayin pa umano ang mga resulta ng pagsusuri kay Lozada kabilang ang ultrasound sa puso at iba pang laboratory tests. Sa kasalukuyan ay kasama na ni Lozada ang kaniyang pamilya na naiwan sa loob ng 10 araw na pagkaka detine sa Manila Police District (MPD) matapos arestuhin sa kasong perjury na inihain ni dating presidential management staff chief Mike Defensor. Kamakalawa ay pinaboran naman ni Manila Metropolitan Trial Court Branch 26 Judge Jorge Emmanuel Lorredo ang mosyon ng Senado sa Recognizance kay Lozada sa halip na ikulong sa Manila City jail. (Ludy Bermudo)