Katayan sa Munti ipinasara

MANILA, Philippines - Tuluyan nang ipinasara kahapon ng lokal na pamaha­laan ng Muntinlupa City ang isang pribadong katayan ng baboy o slaughterhouse na pag-aari ng kapatid ng isang dating alkalde ng lunsod ma­karaang magreklamo ang mga residente sa palibot nito sa polusyon na dulot ng ka­nilang iligal na operasyon.

Nabatid kay Muntinlupa Business permit and Licen­sing Office Chief Rodolfo Oliquino na ang pagpapasara sa Presnedi Slaughterhouse sa San Guillermo St., Putatan sa naturang lunsod ay bunga na rin ng kawalan nito ng ka­ukulang mga permit, sa po­lusyong idinudulot nito sa Laguna de Bay, at masang­sang na amoy na isinisingaw sa operasyon ng katayan.

Napag-alaman na ang naturang slaughterhouse ay pag-aari ni Daniel Fresnedi na kapatid naman ni dating Mun­tinlupa Mayor Jaime Fresnedi. (Rose Tamayo-Tesoro)


Show comments