MANILA, Philippines - Ang pioneering supermarket sa bansa — Cherry Foodarama, mula pa noong 1952, ay sumusuporta sa panawagan ng Department of Trade & Industry para sa patuloy na paglilingkod sa konsyumer na makapagbigay ng mababang halaga sa mga bilihin, sa pagdiriwang ng May 1 Labor Day 2009.
Naglunsad ng 57th year anniversary “Oks na Oks” promo sa Cherry Foodarama upang magbigay ng kasiyahan sa patuloy na pagtitiwala ng mami miling Pilipino. Bilang pasasalamat, magbibigay ito ng brand new “Chana Star II” para sa grand prize sa bawat sangay sa Shaw Blvd., Mandaluyong City, Congressional Avenue, Quezon City at Marcos Highway, Antipolo City.