^

Metro

PAO Regional Directors, pumalag

-

MANILA, Philippines - Nagtataka ang mga regional director ng Public Attorney’s Office (LTO) sa pagkwestyon ni Justice Secre­tary Raul Gonzales sa ginawang custodial investigation kamakailan ng kanilang hepe na si Atty. Percida Rueda- Acosta sa kaso ng brodkaster na si Ted Failon.

Sa isinagawang regional meeting ng PAO Central Office Quezon City, iginiit ng 16 na regional directors ng PAO na matagal nang umiiral ang pagiging auto­no­mous at independent ng kanilang tanggapan batay na rin sa sinasaad ng Republic Act 9406. Nakapaloob anila sa batas na ito ang kanilang mandato na tumulong sa kahit na sinong taong iniimbes­tigahan ng pulisya para ma­tiyak na napo-proteksyunan ang kanilang karapatang pantao lalo na ang mga hinuhuli nang walang warrant of arrest. Hindi anila tama na mag-komento si Secretary Gonzales na baliw si Atty. Acosta dahil mistulang sinabi na umano nito na ang buong PAO-NCR ay nasisiraan ng bait dahil lamang sa pag­tulong at pag-asiste nila sa mga taong nangangaila­ngan ng tulong. (Angie dela Cruz)

ACOSTA

ANGIE

CENTRAL OFFICE QUEZON CITY

CRUZ

JUSTICE SECRE

RAUL GONZALES

REPUBLIC ACT

SECRETARY GONZALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with