Brgy. Tanod binoga, patay

MANILA, Philippines - Isang barangay tanod ang nasawi matapos na ba­rilin sa leeg ng di nakiki­lalang salarin sa lungsod ng Quezon kahapon ng madaling-araw.

 Kinilala ang biktima na si Jay Noble, 35, ng Brgy. Talipapa at residente sa M. Salazar St., Villa Florencia, Subdivision, Brgy. Talipapa.

Ayon sa ulat, ganap na alas-3:30 ng madaling- araw nang mangyari ang insidente sa may Morning Glory St., Delracia Village, ng nasabing barangay.

Bago nito, isang ma­lakas na putok ng baril umano ang narinig mula dito hanggang sa matukla­san ni Joey Cruz, ang bik­tima na nakahandusay malapit sa kanyang motor­siklo.

Patuloy ang imbesti­gasyon ng awtoridad sa nasabing insidente upang matukoy kung sino ang nasabing salarin at motibo sa papamaslang.  (Ricky Tulipat)


Show comments