Player tinarakan

MANILA, Philippines - Hindi na natapos ng isang 18 anyos na tinedyer ang nilalaro niyang “computer game” makaraang tarakan siya ng patalim sa likod ng isa sa dalawang suspek sa loob ng isang computer shop sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisalba ng mga manggagamot ng Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Art Vincent Sabado, residente ng Narra street, Bayabas Extension, Phase-1, Brgy. Nangka, ng naturang lung­sod. Nagtamo ito ng dala­wang malalim na tama ng saksak sa likod na posib­leng tumagos sa baga.

Naaresto naman ng pulisya ang mga suspek na sina Marlon Singson, 18, ng #33 Pisces st., Camacho Phase 2, Brgy. Nangka at kasamahan nitong sinasabing look-out na si alyas “Meng”.     

Naganap ang krimen dakong alas-10:25 ng gabi sa loob ng RJDJ Computer Shop sa may Bayabas street, Twin River ng naturang barangay kung saan naglalaro ng “computer game” ang biktima.

Bigla umanong puma­sok sa naturang shop ang dalawang suspek kung saan walang sabi-sabing dalawang beses na inun­dayan ng saksak ni Sing­son si Sabado. Mabilis na tumakas ang dalawa. (Danilo Garcia)

Show comments