MANILA, Philippines - Isang malaking palaisipan ngayon sa pulisya kung sadyang nagpakamatay o pinatay ang isang fast food service crew kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Cembo, Makati City.
Dahil wala ngang natagpuang suicide note, inaalam pa ni PO3 Jason David ng Station Investigation and Detective Management Branch kung posibleng nagkaroon ng “foul play” sa pagkamatay ni Angelito dela Torre, 21, service crew ng isang kilalang food chain, at residente ng Barangay Cembo.
Ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-3:00 ng madaling-araw na may nakatali na isang nylon cord sa leeg nito at nakabitin sa loob ng comfort room ng kanilang bahay.
Nabatid na, bago naganap ang insidente, pangarap ni dela Torre na kumuha ng kursong BS Criminology para maging pulis siya.
Dahil hindi nga kaya ng kanyang magulang na paaralin ang biktima, nagtanim ito ng sama ng loob at namasukan na lamang bilang service crew ng food chain.
Bunga nito, palagi itong nakikipag-inuman sa kanyang mga kabarkada at umuuwing lasing.
Nasabi pa umano ng biktima sa mga bardaka nito ang kabiguan niyang maging pulis (Rose Tamayo-Tesoro)