3 holdaper huli sa CCTV

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng isang malaking robbery-holdup syndicate ang na­dakip kamakailan sa tulong ng isa sa closed circuit television na naka­kabit o nakakalat sa Maynila.

Sa pinagsanib na pwer­sa ng District Police Intelligence Operations Unit na pinamumunuan ni Senior Ins. Audie Madri­deo, Special Weapons and Tactics at Police Station 5 ng Manila Police District, nadakip noong Marso 18 sa Ermita, Taft Avenue, Manila ang mga suspek na sina Alfredo Mondares na unang nagpangggap bi­lang “Major Mark Castro ng In­tel­ligence Service of the Armed Forces of the Phils.; Pamela Gio at Rey­nante Ro­quero. Inaresto ang mga sus­pek makara­ang nakawan nila ng pera ang Malaysian national na si William Yeo sa Pedro Gil St. sa Manila.   Dahil na rin sa CCTV re­cord, pinag-aralan at na­tun­ton ang dinaanan ng mga sa­sakyan ng mga sus­­pek hanggang mada­kip ang mga ito. (Ludy Bermudo)

Show comments