^

Metro

Taxi na gumagamit ng LPG nagliyab sa kalye

-

MANILA, Philippines - Isang taxi na gumagamit ng auto-liquefied petroleum gas (LPG) ang bigla na lamang nagliyab at tuluyang nasunog habang bumibiyahe sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na nagawang ma­isalba pa ng rumespondeng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Makati City ang naturang taxi na may plakang TWZ-973 na minama­neho ng isang Bong Rosero.

Ayon kay Rosero, pasado alas-10 ng gabi nang biglang magliyab ang kanyang taxi kung saan kagagaling lamang aniya sa Pasong Tamo at kasa­lukuyan tinatahak ang ka­habaan ng Buendia nang pag­sapit sa Makati Avenue ay napansin niyang may umuusok na sa ilalim ng manibela.

Dahil sa tuluyan na ngang lumagablab ang kanyang taxi ay agad na inihinto ni Rosero ang sasakyan at mabilis na bumaba upang isalba ang sarili.

Sinubukan pa umano niyang buhusan ng tubig ang nagli­liyab na sasakyan subalit tuluyan na rin itong nilamon ng apoy bago pa man dumating ang mga pamatay-sunog.

Lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon na posible umanong sumiklab ang wirings na nakakonekta sa tangke ng auto-LPG na naging dahilan upang lumiyab at tuluyang masunog ang sasakyan.

Wala namang iniulat na nadamay sa naturang in­sidente. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BONG ROSERO

BUENDIA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

PASONG TAMO

ROSE TAMAYO-TESORO

ROSERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with