Ginang patay sa CR

MANILA, Philippines - Dala marahil ng init ng panahon, isang 44-anyos na ginang na pinaniniwalaang inatake sa puso ang natag­puang walang buhay sa loob ng comfort room ng kanyang inuupahang apartele sa lungsod ng San Juan kaha­pon ng umaga.

Kinilala ni Senior Insp. Ricardo Marzo, hepe ng Investigation Unit ng San Juan Police, ang biktima na si Maria Pet­ronilla Arugay, 44, umuupa sa Carmela ladies residence sa 66 M. Domingo St., Ba­rangay San Perfecto, San Juan.

Si Petronilla ay natagpuan ng lamang walang buhay ng mga boardmate niyang sina Laila Carera at Adela Gon­zales sa loob ng kanilang kubeta sa nasabing bahay ganap na alas-4:30 ng ma­daling-araw.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives, na­kita sa lugar ang mga diagnostic results mula sa health center na nasa pangalan ng bik­tima kung kaya pinanini­wa­la­ang atake ang sanhi ng pag­kamatay nito. (Ricky Tulipat)

Show comments