Pamalakaya naghabol sa hukuman

Hiniling kahapon sa Korte Suprema ng grupong Pamban­sang Lakas ng Mamalakaya ng Pilipinas na makialam sa isyu ng paglilinis at demolisyon ng Metro Manila Development Authority sa Manila Bay.

Pinuna ng PAMALAKAYA na walang binigay na kasi­guruhan ang Korte Suprema sa nauna nitong desisyon noong Dis­yembre 18, 2008 tungkol sa kapakanan ng mga maliliit na mangi­ngisda sa Manila Bay.

Bukod dito, wala ring nakasaad sa desisyon na nagbibigay ng kapangyarihan sa MMDA lalo na sa Department of Environ­ment and Natural Resources na tanggalin ang mga bahay ng mga concerned citizens sa Manila Bay na siya ring pinagku­kunan nila ng kabuhayan tulad ng mga fish cages at fish traps. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments