Mukha ni misis ginawang punching bag ni mister

MANILA, Philippines - Mistulang nagkulay talong ang mukha at ka­ta­wan ng isang 41-anyos na ginang matapos na ga­ wing punching bag ng kan­yang mister nang walang ma­ibigay na pera ang una sa huli kahapon ng tang­hali sa Caloocan City.

Luhaang dumulog sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Calo­ocan City Police ang bik­ti­mang si Rosa Bucao, mani­kurista at residente ng NPC Area B, Tali­papa, Brgy. 164 ng na­banggit na lungsod.

Inirekomenda naman ng Caloocan City Prose­cutor’s Office ang suspek na si Rodrigo Bucao, 38, welder na makapag­lagak ng halagang P5,000 para sa kanyang pansamanta­lang kalayaan.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Marcelina Pino, WCPD investigator at may hawak ng kaso, na­ganap ang in­sidente ban­dang alas-12 ng tanghali sa bahay ng mag-asawa sa naturang lugar.

Batay sa reklamo ng bik­tima, naka-inom na umuwi ng kanilang bahay ang kanyang mister at sapilitang humihingi ng pera subalit wala siyang ma­ibigay kaya’t agad siyang sinampal kasunod pa nito ang mag-asa­wang suntok sa kanyang katawan.

Sinabi pa ng biktima, sinabunutan pa siya, si­nun­tok sa ulo, pinalo pa siya ng barbel sa ulo at hindi pa nasiyahan ang kan­yang asawa ay ini­untog pa ang kanyang ulo sa matigas na ding-ding ng kanilang bahay.

Dahil sa kalbaryong di­nanas agad na nag­harap ng reklamo ang biktima saka dinakip ang suspect. (Lordeth Bonilla)

Show comments