Star flyer ride ng Star City tigil muna

MANILA, Philippines - Hindi na muna pahihintulu­tan ang pangasiwaan ng Star City na buksan ang star flyer ride nito kaugnay sa naganap na trahedya na nagresulta sa pagkamatay ng isang rider nito nitong nakaraang Sabado.

Sa panayam kay Pasay City Police Chief Supt. Raul Petra­santa, hindi umano nila ikinu­kunsidera ang mga pahayag na ibinigay ng Star City personnel na nagpakamatay ang bikti­mang si Carmelito Peña, 39, cook ng Rhy’s & Tale Tapsilugan sa Harrison Plaza Mall, Manila.

Lumalabas kasi sa pagsisi­yasat ng pulisya na hindi maka­la­labas ang sinumang mana­na­kay dito kung walang naganap na mechanical error sa star flyer na nagresulta upang tumalsik ang naturang pasahero.

Nakitaan din umano ng indi­kasyon na nagkaroon ng   kapa­bayaan ang pangasiwaan dahil hindi nasuri ng mga ito ang me­chanical at manual lock ng na­turang carnival ride.

 “Siyempre bilang pasahero, at bago pa lamang makasa­sakay sa ganoong sasakyan, natural na magtatanong ka kung mamamatay ka kung ma­hu­hulog sa star flyer,” paliwa­nag ni Supt. Petrasanta.

Sa ginawang follow-up in­vestigastion, nabatid na ang biktima ay unang binigyan ng ticket na “ride all you can” ng isang mensahero na sinasa­bing may-ari ng pinaglilingku­rang Tapsilugan ng una.

Ayon sa kasamahan ng bik­tima, wala umano silang na­kitang anumang indikasyon na magpapatiwakal ang huli dahil masaya pa ito bago nagtungo sa Star City taliwas naman sa pahayag ng ilang kawani ng na­sabing carnival na balisa ang una nang sumakay ito sa star flyer.

Lumilitaw din na sa ikala­wang pag-ikot ng sasakyan tu­mi­lapon ang biktima dahil ma­luwag ang mechanical lock at safety belt ng naturang ride.

Kaugnay nito, inireko­ menda naman ni Petrasanta sa Star City na dagdagan pa ang mga harness sa kanilang mga rides upang maiwasan pa ang kaha­lintulad na malagim na aksidente.

Magugunita na isang batang babae rin ang nasawi nang tu­milapon ito mula sa sina­sak­yang “wild river ride” ng Star City ilang taon na ang nakali­lipas kung saan ang biktima rin ang sinisi ng mga taga-pama­hala ng nasabing carnival sa na­sabing insidente. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments