Kasalang-bayan sa Caloocan pang-Guinness

MANILA, Philippines - Maaari na namang ma­pasama ang Pilipinas sa talaan ng Guinness Book of World Records dahil sa 2,664 magsing-irog na ikinasal sa iisang okasyon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri bilang bahagi ng pagdiri­wang ng 47th Foundation Anniversary ng lungsod kasabay na rin ng pagse­selebra ng araw ng mga puso.

Umaasa si Echiverri na kikilalanin ng Guin­ness Book of World Re­cords ang ginanap na kasalang bayan dahil sa malaking bilang ng kan­ yang ikinasal na gi­nanap sa Glorietta, Tala, Caloo­can City kama­ka­lawa ng gabi (February 14).

Ayon sa alkalde, ang ginanap na kasalang ba­yan ay tulong ng kanyang ad­ministrasyon na ma­ ging legal ang pagsa­sama ng mga magsing-irog kung saan karamihan sa mga nagpakasal ay matagal na ring nagsa­sama at ilan na rin ang mga naging supling.

Aniya, ang pagbibigay ng libreng kasalang bayan ay isa sa prayoridad ng kanyang administrasyon dahil marami sa mga mag-asawa sa Caloocan ay hindi pa legal ang pagsa­sama.

Ayon naman kay City Civil Registrar Luchi Flores, bukod sa libreng kasalang bayan ay wala ring proproblemahin sa registration ang mga iki­nasal dahil sinagot ng pamahalaang lungsod ang gastos dito bukod pa sa pagpapatala ng ka­nilang mga anak para sa mga matagal nang nag­sasama bilang mag-asawa.

Samantala, pinuri na­man ni Echiverri ang lahat ng tumulong upang ma­ging matagumpay ang makasay­sayang kasalang bayan na ito na maaaring maging daan upang lalo pang makilala ang lung­ sod sa buong mundo. (Lordeth Bonilla)

Show comments