Estudyante tinarakan ng 3 miyembro ng fraternity

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang 18-an­yos na estudyante ng Uni­ver­sity of the East (UE) nang pag­tulungang saksakin ng mga miyembro ng Tau Gamma Fraternity, kamaka­lawa ng gabi, sa Quiapo, Maynila.

Nakaratay ngayon sa Mary Chiles Hospital ang bik­timang si Daniel Luis Surell, residente ng Catbalo­gan St., Batasan Hills, Que­zon City bunga ng mga tina­mong sak­sak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspect na sina Chester Ferry, estud­yante ng Far Eastern Univer­sity (FEU) , isang alyas Lando at tatlong hindi nakilalang lalaki na pawang miyembro din ng nasabing fraternity.

Ayon sa ulat ni Manila Police District-Station 3, chief, Supt. Romulo Sapitula, dakong alas-6:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa harapan ng Metrobank sa kanto ng CM Recto Avenue at San Sebastian St., Quiapo, Maynila.

Nabatid na inabangan ng mga suspect ang biktima at mga kaibigan nito sa paglabas mula sa isang bilyaran at inatake ng mga suntok at saksak bago tumakas sa direksiyon ng Bilibid Viejo St., Quiapo. (Ludy Bermudo)

Show comments