^

Metro

Pulisya nagbabala sa 'Dura-dura gang'

-

MANILA, Philippines - Nagbabala ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) sa mga mananakay ng jeep sa grupong “Dura-dura Gang” na nambibiktima ng mga pasahero sa pamamagitan ng pandudura.

Ito’y matapos na mabiktima sa naturang modus-operandi ang pasaherong si Joan Tallod, 22, nurse, matapos na tangayin ng nasa apat hanggang limang suspek ang kanyang cellphone at pera sa loob ng kanyang bag habang sakay ng pampasa­herong jeep kamakalawa ng gabi sa may Kamuning, ng naturang lungsod.

Sinabi ni QCPD director, Chief Supt. Magtanggol Gat­dula na modus ng naturang grupo ang pagdura sa likod ng kanilang bibiktimahin. Isa naman sa mga ito ang magma­magandang-loob na tumulong sa kanilang biktima upang linisin ang dura at awayin ang nandura habang ang ibang kasabwat ay nililimas na ang laman ng bag nito.

Apat hanggang limang miyembro ang malimit magka­ka­sama at magkakasabwat sa grupong ito na nagpapanggap din na mga pasahero sa mga dyip o bus at kalimitang guma­mit lamang ng senyas upang isagawa ang kanilang ma­samang gawain.  

Nagbabala naman si Gat­dula sa mga pasahero na mat­yagang mabuti ang kanilang mga kasamahan sa loob ng jeep o bus. Kung sakali iba ang na­biktima, makabubuti na agad na humingi ng saklolo ang mga nakasaksi upang agad na ma­aaresto ang mga suspek. (Danilo Garcia)

vuukle comment

APAT

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

ISA

JOAN TALLOD

MAGTANGGOL GAT

NAGBABALA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with