Dalaga kritikal sa holdap

Malubhang nasugatan ang isang dalaga makaraang man­laban at saksakin ng isang hol­daper kahapon ng ma­daling-araw sa Malabon City.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa likod si Annaliza Ladrillo, 18, ng Pam­pano St., Brgy. Longos ng lung­sod na ito.

Tumakas naman ang hindi pa nakikilalang suspect na siya ngayong target ng man­hunt ng pulisya.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:45 ng madaling-araw, nag­la­­lakad papauwi ang biktima sa Martiniko St., Longos nang su­­­mulpot ang suspek na armado ng patalim. Kinuha ng suspek ang hand bag ng bik­tima na naglalaman ng cell­phone at mga gamit, subalit nakipag-agawan si Ladrillo.

Dahil dito, sinaksak ng sus­pek ang biktima bago tuma­kas dala ang hand bag, habang dinala naman si La­drillo ng ilang taong naroroon sa paga­mutan. (Lordeth Bonilla)

Show comments