^

Metro

Nobyo ng dalagita sa ilog, pinatay?

-

Blangko pa ang Manila Police District-Homicide Section sa paglutas sa kaso ng 14 anyos na dalagitang si Princess Sarah Ang, isang first year student ng Makati High School na natagpuang patay at lumulutang sa Pasig River na sakop ng Bacood, Sta. Mesa, Manila. 

Nagpalalim sa kaso ni Ang ang pag­ka­katagpo naman sa bangkay ng nobyo niyang si John Kenneth Salcedo, 19.

Naunang pinaghahanap ng pulisya si Salcedo para tanungin hinggil sa pagka­matay ni Ang dahil siya ang huling kasama ng dalagita bago ito natagpuang patay. 

Pero, kasunod ng pagkakatagpo sa bangkay ni Ang, natagpuan kinalaunan na lumulutang sa Pasig River na sakop naman ng Poblacion, Makati City noong gabi ng Enero 22.

Lumalabas na kapwa namatay sa “asphyxia by drowning” ang magnobyo, batay sa autopsy report ng Scene of the Crime Operatives ng MPD at Makati City Police.

May gasgas sa tuhod at sugat sa baba ang dalagita nang matagpuan bukod sa pagkalunod habang ang nobyo nito ay namamaga na ang katawan nang madis­kubre. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BACOOD

HOMICIDE SECTION

JOHN KENNETH SALCEDO

LUDY BERMUDO

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI HIGH SCHOOL

PASIG RIVER

PRINCESS SARAH ANG

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with