Nadakip ang jeepney driver na si Dante Diaz, 35, makaraang hipuan ang dalagitang si Annie, 13-anyos, kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Niyaya ng suspek ang biktima na sumakay sa dala nitong jeep at sa loob ay bigla na lang pinaghihipuan ng una ang huli sa maseselang parte ng katawan nito. Agad naman na nagpaalam ang biktima na bababa na lamang ngunit bago tuluyang lumabas ng jeep ay binigyan ito ng P50 at sinabing huwag magsusumbong kanino man. (Lordeth Bonilla)
Bading binoga
Matapos pagnakawan ay pinatay pa ang umano’y bading na si Fernandito Quera, 48, matapos barilin sa ulo ng di pa nakikilalang suspek kamakalawa ng hapon sa Recto Avenue, Sampaloc, Maynila. Wala na umano ang mga mamahaling alahas at di pa mabatid na cash ng biktima nang halughugin ang kuwarto nito. Isasailalim din sa imbestigasyon ang live-in partner nito na nursing student na si Mark Antonio Milanez, 28. Naniniwala naman ang pulisya na kilala din ng biktima ang suspek dahil walang bakas ng forcible entry sa kuwarto nito. (Ludy Bermudo)
Driver grinipuhan
Agaw-buhay habang isinusulat ito ang taxi driver na si Jeffrey Mercado, 30, matapos pagsasaksakin ng mga estudyanteng sina Timothy de Luzuriaga, 21, at Pocholo Patawaran, 19, kapwa residente ng BF Homes Parañaque City kahapon ng madaling-araw. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpahatid ang mga suspek sa The Fort Taguig at pinabalik sa Lopez Avenue, Makati City kung saan unang sumakay ang mga ito. Ngunit nang sisingilin na ng driver ang mga suspek ay nagalit pa ang mga ito hanggang sa makipagtalo ang biktima. Bunsod nito, agad na pinagsasaksak ng mga suspek ang biktima at iniwan itong duguan. Ngunit agad naman na naaresto ang mga ito ng nagpapatrolyang pulisya. (Rose Tamayo-Tesoro)