^

Metro

LTO nais makialam sa drug test ng mga drivers

-

Makikialam na ang Land Transportation Office (LTO) sa pagka­ka­loob ng drug test sa mga driver na kukuha ng lisensiya sa ahensiya. Ito ang inihayag ni LTO Chief Alberto Suansing kasabay ng pagsasabing sila ang nasisisi sa pagkakaloob ng drug test sa mga driver gayung ang bagay na ito ay pinangangasiwaan ng Department of Health (DOH).

Ani Suansing, hihingin niya sa DOH na payagan sila na siyang magbigay ng authorization sa mga drug test center na magbibigay ng drug test sa mga driver na kukuha ng lisensiya. Dahil sa ang DOH ang namamahala sa drug testing sa mga LTO Offices, bulag ang LTO na malaman kung sino ang nagka­karoon ng drivers license kahit adik.

Aminado si Suansing na may mga drivers license holder na adik kayat kapag nakialam na ang LTO sa pagbibigay ng drug test sa mga driver, malamang na maibsan ang bilang ng mga adik na driver sa lansangan.

“Sinungaling ako kung hindi ko sasabihin na walang adik na driver, meron yan pero bulag kami diyan dahil hindi kami ang nangangasiwa sa mga drug test center na nagbibigay ng drug test sa mga driver kundi ang DOH”, pahayag ni Suansing.

Anya, sa DOH pa rin magmumula ang accreditation ng mga drug test center na mag-operate sa LTO, pero ang authori­zation ay nais nitong sa LTO magmula. (Angie dela Cruz)

ANI SUANSING

CHIEF ALBERTO SUANSING

DEPARTMENT OF HEALTH

DRIVER

DRUG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

SUANSING

TEST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with