^

Metro

Konsehal sinapak ng 2 Koreano

- Ni Ludy Bermudo -

Dalawang lasing na Koreano ang nakatak­dang sampahan ng pa­tung-patong na kaso ma­karaang suntukin, bastu­sin at sampalin ang isang konsehal ng May­nila kamakalawa sa Malate sa naturang lunsod.

Inireklamo kahapon ni Councilor Roderick Val­buena (5th district) na pasakay siya sa kan­yang kotse matapos makipag­pulong kay Vice Mayor Isko Moreno sa Café Adria­tico da­ kong alas-3 ng mada­ling-araw ng Sabado nang huma­rang sa kan­yang daanan ang dala­wang lasing na sina Sim Guidae, 29, at Kim Joo Min, 37, ng Seoul, South Korea.

Nang makapasok siya sa kotse at sinimu­lang patakbuhin ito, hindi umano umalis sa dara­anan ang dalawang da­yuhan kaya bumaba ng sasakyan ang kon­se­hal at pinatabi ang dalawa at sinabihan ding umuwi na lamang dahil sa mga lasing na.

Sa halip, sinabihan umano si Valbuena ng dalawang dayuhan ng ‘F…you!” kaya napilitan umanong magpakilala ang una na siya ay kon­sehal ng Maynila at ipa­aresto ang dalawa.

Umalma pa ang da­lawa at nagyabang na may kakilala silang police general at isu­sum­­bong siya sa Korean Embassy na ikinapikon ni Valbuena at ipinadakip na lamang sa mga pulis ang mga suspek.

Nang mahimasma­san sa tanggapan ng MPD-General Assign­ment Section, humingi ng tawad ang dalawang turista subalit tiniyak ni Valbuena na itutuloy niya ang reklamong di­rect as­sault, malicious mis­chief at oral defa­mation at plano niyang hilingin sa Bureau of Immigration na isama sa blacklist ang dalawa.

BUREAU OF IMMIGRATION

COUNCILOR RODERICK VAL

GENERAL ASSIGN

KIM JOO MIN

KOREAN EMBASSY

NANG

SHY

SIM GUIDAE

SOUTH KOREA

VALBUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with