Bebot na 'tulak', tiklo

Bagsak sa piitan ang isang bebot matapos mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ni Senior Insp. Arnel Dimalanta, hepe ng Station Anti-Illegal Drugs ang nadakip na si Twiggy Vivar, 24, ng Bisig ng Nayon, Caloocan City. 

Batay sa ulat ng pulsiya, dakong alas-9:30 ng gabi nang madakip ang suspect sa gilid ng Malabon City Square sa Dagat-dagatan Ave. ng lungsod.

Nabatid na unang nakatanggap ng impormasyon si Dimalanta hinggil sa talamak na bentahan ng iligal na droga sa nasabing lugar na kinasasangkutan ng suspect.

Bunga nito ay agad na nagsagawa ng buy-bust operation ang operatiba na naging da­hilan ng positibong pagkaka-aresto sa suspect sa aktong inia­abot nito ang isang sachet ng shabu sa umaktong buyer na pulis kapalit ang P200 marked money.

Nang kapkapan ay apat pang sachet ng shabu ang nakuha sa suspect.   (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments