Karelasyon ng asawa, sinaksak, patay

Hindi na umabot ng Bagong Taon ang isang lalaki matapos pagsasak­sakin ng kanyang kalugar na naghihinala na ka­relasyon umano niya ang asawa nito sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Patay na nang maipa­sok sa Valenzuela Gene­ral Hospital sanhi ng da­lawang saksak sa dibdib si Thomas Veroy, 38, ng Dulong Tangke, Malinta ng lungsod na ito.

Nakatakas naman ang suspek na nakilala lang sa pangalang Darak Manalastas, nasa hus­tong gulang at kalugar ng biktima.

Sa ulat, alas-11:30 ng gabi, naglalakad ang bik­tima sa Dulong Tangke nang salubungin ng sus­pek at walang sabi-sabing pinagsasaksak.

Matapos ang insi­dente ay dinala ang bik­tima sa nabanggit na pa­gamutan habang tu­ma­kas naman ang suspek.

Sinasabing naghihi­nala ang suspek na ka­relasyon ng biktima ang kanyang misis. (Lordeth Bonilla)

Show comments