Misis tinodas ni mister

Trahedya ang sinapit ng pagsasama ng isang mag-asawa makaraang mabaril at mapatay ng isang sundalo ang kan­yang misis dahil sa ma­tinding selos habang kriti­kal naman ito nang barilin din ang sarili kama­ka­lawa sa Barangay Pinya­han Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Roquisa Rutaquio, 39-anyos, residente ng Brgy. Pinyahan. Nasa “co­matose” na kon­disyon naman ngayon sa V. Luna General Hospital ang suspek na si Sgt. Larry Rutaquio matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo.

Dakong ala-1:30 ka­makalawa ng hapon nang maganap ang pa­mamaril sa kanto ng Matapat street at V. Luna Avenue sa Barangay Pinyahan kung saan nagtitinda ng prutas si Roquisa.

Bigla umanong du­ma­ting ang sundalo at kinompronta ang asawa ukol sa isang mensahe na natanggap nito sa cellphone na labis nitong ikinaselos. Dito sumiklab ang pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa hang­gang sa magbunot ng kanyang kalibre .45 baril ang sundalo at tatlong beses na paputukan ang misis.

Nang makitang du­guan ang asawa, dito itinutok ng sundalo ang sariling baril sa ulo at ipi­nutok ito. Agad namang isinugod ang dalawa sa pagamutan ngunit tulu­yang nasawi ang ginang.

Sinabi pa ng mga kapitbahay na ilang araw na umano nilang naki­kitang nagtatalo ang dalawa dahil sa hinala ng sundalo na may ibang lalaki ang kanyang misis na itinatanggi naman nito.

Show comments