^

Metro

Baby ng buntis na tumalon sa dyip patay na rin

-

Binawian na ng buhay ka­makalawa ang isang premature na sanggol na pwer­sahang isinilang ng kani­ yang ina na namatay ma­tapos tumalon sa isang pampasa­herong dyip sa takot na maholdap noong Dis­yembre 22 sa Tondo, Maynila.

Kinumpirma ito kahapon ng Mary Jhonston Hospital kung saan inobserbahan sa incubator ang walong bu­wang gulang na sanggol.

Una nang idineklarang patay si Jean Rose Polinar, isang tindera na residente ng Caloocan City, noong Dis­yembre 23 nang mabi­gong isalba ng mga mang­gaga­mot.

Nagawa pa umanong pa­ana­kin si Polinar, sa pama­ma­gitan ng caesarian section subalit sanhi ng internal hemorrhage ay nasawi ito.

Magugunitang natakot na maholdap si Polinar nang sumakay ang tatlong lalaki na umano’y holdaper kaya naisi­pang tumalon sa dyip.

Kasalukuyan pang pinag­ha­hanap ang isang alyas “Jason”, isang alyas “Pusa­kal” na pawang responsable sa tang­kang panghoholdap, kabilang ang nadakip na si Cedric Perez, 24, ng #1700 Canal Dela Reina, Pritil, Tondo. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BINAWIAN

CALOOCAN CITY

CANAL DELA REINA

CEDRIC PEREZ

JEAN ROSE POLINAR

KASALUKUYAN

KINUMPIRMA

LUDY BERMUDO

MARY JHONSTON HOSPITAL

POLINAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with