Motorsiklo salpok sa jeep: 1 patay

Patay ang isang lalaki makaraang mabangga ng isang cargo jeep ang kanyang minamanehong motor­­siklo at masa­gasaan pa kamakalawa ng gabi sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Nakilala ang nasa­wing biktima na si Zaldy Camacho, ng Mayang Pula, Sta. Monica, Nova­liches, ng natu­rang lungsod. Agad namang na­aresto ang suspek na si Brigido Arellano, 44, driver ng cargo jeep na may kargang mga buko at residente ng San Andres, Ala­minos, Laguna. Lumilitaw sa pagsi­siyasat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang aksi­dente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa kanto ng River­side­, Brgy. Commonwealth, Quezon City. Kapwa umano galing sa may Philcoa ang motor­siklo ng biktima at jeep ng suspek patungong Fair­view nang magtangkang mag-overtake ang jeep. Dito nito nahagip ng motorsiklo ng biktima na nawalan ng balanse at sumemplang. Mas napabilis ang kama­tayan ni Camacho nang mapailalim at masagasaan pa ito ng jeep na minamaneho ni Arellano. (Danilo Garcia)

Show comments