Ex-mayor nabiktima ng dugo-dugo gang

Isang dating mayor at pa­milya nito ang nabik­tima ng Dugo-Dugo Gang makaraang mali­ma­san ng P40 milyong halaga ng salapi at alahas sa Malabon.

Kinilala ni Supt. Ro­berto Villanueva, hepe ng kapulisan dito, ang nabik­tima na si Amado Vicen­cio, dating alkalde at asawang si Florenda, pawang mga naninira­ han sa Araneta Subdi­vision, Brgy. Potrero sa lungsod.

Nasa kustodiya na­man ng awtoridad ang ka­tulong ng mga biktima na si Rubilyn San Dio­nisio, 23, dalaga, para sa imbestigasyon.

Nakatanggap umano si San Dionisio ng tawag sa telepono na nagpa­kilalang si Mrs. Vicencio na ito ay naka­bangga ng isang tao sa kalsada.

Sinasabing kinum­binsi ng nasabing babae ang katulong na kunin ang pera at alahas na nakalagay sa attaché case para ipangbabayad nito ng piyansa sa pulis dahil namatay umano ang nabangga nito.

Dahil napaniwala, puwersahang binuksan ni San Dionisio ang ku­warto at cabinet ng mag-asawang Vicencio saka kinuha ang alahas na nagkakahalaga ng P40 million at salaping P200,000 cash.

Nang ma­kuha ay inutusan ang katulong ng babae na dalhin ang nasabing pera sa SM North EDSA kung saan siya sinalubong ng babae at ibinigay ang mga ito. Huli na nang malaman ng ka­tulong na hindi niya amo ang tumawag sa kanya. (Lordeth Bo­nilla)

Show comments