Caloocan shootout: 2 holdaper todas

Patay agad ang dala­wang hinihinalang mga miyembro ng “Waray-Waray Gang” at Ozamis Holdup and Robbery syndicate, habang naka­takas naman ang tatlong kasamahan ng mga ito makaraan ang ilang mi­nutong pakikipagpalitan ng putok ng grupo ng mga una laban sa mga operatiba ng pulisya, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Ayon kay National Ca­pital Region Police Office (NCRPO) chief Dir. Leopoldo Bataoil na kum­binsido siya na “rem­nants” nga ng mga tinu­tugis na suspect sa na­ganap na Parañaque shoot­out ang mga napas­lang na suspect na wala pa ring pagkakakilanlan habang isinusulat ang balitang ito kahapon ng umaga. Ang mga nasawi ay sinasabing sangkot rin sa naganap kamakailan na armoured van robbery sa Navotas Fish Port.

Ayon pa kay Bataoil na nag-ugat ang engku­wentro at pagkakapas­lang sa mga suspect makaraang unang matu­nugan ng magkakasanib na puwersa ng PNP-CIDG, PNP-Caloocan at ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang mga suspect sa umano’y pinagtataguang safe­house ng mga ito sa Antipolo City.

Mula sa nabanggit na lugar ay tinugaygayan ng operatiba ang mga sus­pect at pagsapit ng mga huli sa Brgy. 160 ng Ca­loocan City ay naka­ha­lata ang mga ito na sinu­sun­ dan sila ng mga una kung kaya’t nagpa­putok na ang   mga ito na na­ging dahilan upang mag­ka­roon ng palitan ng putok sa pa­gi­tan ng mag­kabilang panig kung saan ilang sandali pa ay bumu­lagta na ang dalawang suspects.

Naganap ang insi­dente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa Libis Bukid, Brgy. 160, Baesa, Caloocan City.

Batay na rin sa ulat, ang mga suspect ay ka­salukuyang lulan ng tina­ngay nilang sasakyan na kulay metallic blue Honda Accord at may plakang ZAF-349 nang makasa­gupa ng mga ito ang operatiba.

Narekober naman ng operatiba sa pinangya­rihan ng insidente ang isang Armalite rifle, isang .45 kalibre ng baril, mga basyo ng bala mula sa iba’t ibang klase ng baril ng mga suspect at dala­wang mga plaka ng sa­sakyan.

Show comments