Binuksan kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim ang isang crematory sa Manila North Cemetery na magkakaloob ng libreng cremation sa mahihirap.
Sinaksihan din ni MNC head Peter Tamondong, South Cemetery chief Henry Dy at Senior Supt. Alex Gutierrez, hepe ng Manila City Hall Police Office ang ginawang dry-run operation ng crematory.
Sinabi ni Lim na, sa panahong ito, mahal ang cremation na aabot sa P20,000. Subalit sa Maynila ay binigyang-prayoridad ng alkalde ang mga mahihirap na hindi kayang abutin ang presyo nito.
Sakaling nais ng kaanak na huwag iuwi ang abo ng mahal sa buhay, may nakalaan din lugar ang nasabing sementeryo para paglagakan. (Ludy Bermudo)