Most wanted timbog habang nagse-celebrate ng birthday

Matapos ang mahigit dalawang taon na pagtatago sa kamay ng batas, nalambat na rin ng awtoridad ang isang 23-anyos na binata na sinasabing isa sa “most wanted persons” ng pulisya sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan, kamakalawa ng gabi sa Valen­zuela City. 

Kinilala ng pulisya ang suspect na si Bryan Peralta, ng Little Tagaytay St., Brgy. Marulas ng nabang­git na lungsod. 

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:45 ng gabi nang maaresto ang suspect sa mismong loob ng bahay nito habang naki­kipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa kasag­sagan ng pagdaraos nito ng kanyang kaarawan. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments