Most wanted timbog habang nagse-celebrate ng birthday
Matapos ang mahigit dalawang taon na pagtatago sa kamay ng batas, nalambat na rin ng awtoridad ang isang 23-anyos na binata na sinasabing isa sa “most wanted persons” ng pulisya sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Kinilala ng pulisya ang suspect na si Bryan Peralta, ng Little Tagaytay St., Brgy. Marulas ng nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:45 ng gabi nang maaresto ang suspect sa mismong loob ng bahay nito habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa kasagsagan ng pagdaraos nito ng kanyang kaarawan. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending