Ipinag-utos ni LTO chief Alberto Suansing sa kanyang mga traffic enforcers na kumpiskahin ang vehicle plates na makikitang madumi at bulok pati na rin ang lisensiya ng driver ng mga sasakyang ito.
Ang aksyon ay ginawa ni Suansing bunsod na rin ng ginawang pag -aaral ng tanggapan at mga reklamo sa ahensiya na karamihan sa mga sasakyan na nasasangkot sa mga krimen ay madumi at bulok na ang plaka at pawang mga peke pa . Para lamang anya makaiwas sa huli, gumagamit ang mga sindikato ng mga pekeng car plates na madumi pa at bulok na. Sinabi ni Suansing na alinsunod sa Republic Act 6426 o Land Transportation and Traffic Code , ang mga LTO- car plates ay kailangang visible, malinis, walang alteration, walang modification at walang anumang pagbabagong gagawin dito. (Angie dela Cruz)