Dagdag P10 sa taxi, aalisin na ng LTFRB

Plano nang tanggalin ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag P10 sa pasahe sa kabuuang halaga ng bag­sak ng metro sa mga taxi nationwide.

Sa isang press con­ference, sinabi ni LTFRB Chairman Thompson Lan­tion, payag na siyang alisin na ang naturang add on additional fare sa taxi dahil nagsibabaan na ang pa­sahe sa mga pampasa­ herong jeep at bus nationwide bunsod na rin ng pagbagsak ng presyo ng produktong petrolyo nitong nakalipas na linggo.

Gayunman, sinabi ni Lantion na isasapinal ng LTFRB board ang gaga­wing desisyon hinggil dito   upang pormal itong mai-anunsiyo sa publiko para naman sa kaalaman ng mga taxi operators at para sa kapakanan ng taxi riders.

Sa kanyang panig, si­nabi naman ni Leonoro Naval, Pangulo ng Allianced of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM) na kung ano ang pasya ng LTFRB ay kanilang susundin.

Show comments