Pinatay sa tawa

Namatay ang 21-anyos na binatang si Darwin Ayo makaraang pagsasaksakin siya ng fish porter na si Marvin Arsenio, 19, na nainis sa kanyang pagtawa habang nakikipagkuwentuhan sa isa nilang kainuman sa Dulong Hernandez St., Catmon, Malabon City kama­kalawa ng gabi.

Agad na tumakas si Arsenio pag­karaan ng insidente. (Lordeth Bonilla)

Dalaga binoga

Naglalakad lang ang 24 anyos na dalagang si April De Belen sa Phase 6, Phase 5 sa Camarin, Caloocan City nang barilin at mapatay siya ng isang hindi nakila­lang lalake kamakalawa ng gabi. (Lordeth Bonilla)

Show comments